Ang kuento ng GAMCA ay siyam na taon ng pinagdudusahan. Ngunit dahil sa ating mga tinig na pagsasama-samahin, ang katapusan nito ay nalalapit na. Kung iisa-isahin ay parang nakakabagot na nobela na.
Ang Sept 26,2008 na sana ang pinakamaligayang araw para sa mga manggagawang nangingibang bansa. Ito kasi ang araw na kung saan ay pinirmahan ng ating Kalihim ng Kalusugan ang Department Memorandum No. 2008-2010. Sa kautusang ito ng ating Kalihim ay buong tapang nya na inihayag ang mga sumusunod na kataga:
"FORTHWITH STOP, TERMINATE, WITHDRAW OR OTHERWISE END the insidous
practice known to be, as the 'referral decking system'."
Ngayon, March 12,2009 na. Tuloy pa rin ang pang-iismid ng GAMCA sa ating gobyerno. Tuloy pa rin ang Decking System. Tuloy pa rin ang pasok ng salapi.
Wednesday, March 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment